++bilang kuya mo++
May mga oras na na aalala ka,
Mga minuto na iisip ka
Pilit ginugunita
Mga alaalang pilit mong ibinaon sa lupa
Marahang inaawit,
Mga letra at salita ng yong kanta
Walang pakundangang ginigipit
Mga emosyong sobrang lupit
Di magapi
Memorya mo nung ika’y nasa piling ko
Di makalimutan
Bawat kanta ay lalong naliliwanagan
Walang aberya at iyong inilayo
Ang puso mo noong pilit na itinatago
Sinubkan mo man itong ipamahagi
Ngunit sa puso ko, ikaw parin ang naghahari
Pinilit mo na tayoy magkaganito
Pero alam ko na ito’y di mo gusto
Hadlang satin ay ang pangamba mo..
Pero bakit, di pinagkaloob ang tiwala mo?
Ngayon, puso ko’y iniwan mo sa pagkalito
Di man lang binigyan ng idea kung bakit nagkaganito
Pero hayaan mo, hanggat nabubuhay ako
Nandirito parin ako para sayo..
.. .. .. .. .. .. .. ..–bilang kuya mo..

Nice Article. Keep up The Good work.
Thanks for the information!!
trz said this on December 23, 2008 at 8:37 am