header image
 

++ walang title ++

bawat sandali
hindi maikubli
silakbo ng puso
hindi na magawang itago

hawak mo ito
nakabalot sa kamay mo
kadikit ng yo’ng puso
iniaalay ko para sa’yo

daang beses ng nasaktan
libong beses ng nakipaglaban
sayo lamang naramdaman
ang tunay at buhay na pagmamahalan

walang pagkukunwari
walang sinasayang na sandali
bawat minuto na kasama ka
bawat segundo ay dinarama

di kailangan magpangabot ating mga kamay
di alinlangan maski magkawalay
pagkat habang buhay..
puso’t buhay ko para saiyo
iniaalay, wagas,
hanggang wakas.

~ by leerz25 on October 1, 2005.

3 Responses to “++ walang title ++”

  1. hang galing gumawa ng tula ahhh… hehhehehe

  2. nakkkss ang gaLing!!!!! yahooooo!!!! =D

  3. asus!! yung cute na monkey yung nag comment?! wow!!!! salamat poh =D

Leave a Reply