header image
 

++ ako parin ba ++

Sa iba makwento ‘ka
Sakin, Problema’y ‘di man lang ‘magawang sabihin.;
Naglaho naba ang pagibig mo sinta?
‘Kala ko ako’y ‘di na muling luluha pa,

Lumalabo ba ang ‘yong pagtingin?
Pagtingin na noona’y nagaalab at nag iinit para ’sa’tin
Natutulog na’ba ang nararama?
Ang apoy mo ba’y napapawi na?

Nalimutan na’ba ang ating pinaglalaban?
Ang Pagtitinginang handang salingin ang ’sino’man
Gising pa’ba ang puso ‘mo?
Ako parin ba ang nilalaman ni’to
Puso ko parin ba ang nakalakip?
Damdamin ko ba’y tuloy mong sinisilip?

Iisa parin ba’t natatangi;
Emosyong nagdudulot sa lahat ng problema’y
walang abag na mapawi.

~ by leerz25 on May 9, 2006.

Leave a Reply