+ Handa ba ang Puso Mo? +
Kung ibibigkis ko ang puso ko sayo,
mamahalin mo ba ako hanggang sa pagpanaw ko?
Mangangako kaba sa’kin na ikaw ay akin at walang ibang aangking.
Didinggin mo ba ang salita ko,
Uunawaain at ‘di hahayaang basta lang mapawi ng hangin.
Paiibigin mo pa rin ba ako sa mga araw na ang aking diwa ay lunos,
Ihahayag mo ba sakin ang bawat isa sa’yong damdamin at saloobin.
Gagabayaan mo rin ba ako pag ang puso’t laman ko na’y kapos,
Maaasahan ko ba ang kalinga’t pag-ibig mo mang oras at san man sa mundo,
Ako pa rin ba ang hahanapin mo sa oras na ang utak at puso’y blanko.
Magdadampi ba ang ating mga labi dahilan ng pagmamahalan.
Handa ka bang tanggapin ako kung ano ako at suportahan ang mga nais ko.
Kung ikaw ang magtatanong OO, Sakin b yun din ang isasagot mo?

Leave a Reply