+ Tangay-tangay Ng Hangin +
Abutan kaya kita, giliw
Sabik na makita ka,
Nasasabik sa pagtatagpo,
‘Di na mapakali sak’ing pag hayo
Parang ang ang tagal maglakbay,
Kay bagal ng hangin
Tungo sa’yo ako’y tangay,
Naiinip sa kaiisip,
Kaunting saglit na lamang,
Mahahawakan na kitang muli,
Kay bagal ng pag usad,
Sa piling mo nais nang mamugad,
Nagaabng sa’yo, mula sa’kin mga halik,
Naghihintay sa’yo mga yakap na unod ng higpit,
Kapalit lng ang pg ngiti mo at pag ligaya,
Bwat lakbay ko laging mananagana

Leave a Reply